TINGNI: Nahirang na Best Public Employment Service Office sa lalawigan ang PESO Batangas City

  1.jpg 2.jpg

 

 

 

 

TINGNI: Nahirang na Best Public Employment Service Office sa lalawigan ang PESO Batangas City at naging kinatawan ng Batangas Province sa Regional Search sa 2nd Regional PESO Congress na ginanap sa Nasugbu, Batangas noong September 5.

Ayon kay PESO Manager Noel Silang, malaking puntos ang mga report at narratives na kanilang isinumite tulad ng 2022 Referral and Placement, Labor Market Information, Career Coaching at iba pang programang kanilang ipinatupad na naayon sa criteria ng patimpalak na itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE).