3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), isinagawa

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Nakiisa ang mga mga kawani ng pamahalaang lungsod at mga mag-aaral mula sa ibat-ibang pampublikong paaralan sa Batangas City sa 3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), September 7.

Ang NSED ay ang mas pinaigting na programa ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ipinatutupad sa mga local government units (LGU) upang ipabatid sa publiko ang kahalagahan ng pagiging handa kung may lindol gayun din sa pagharap sa “The Big One”.
Ito ay makatotohanang pagsasadula ng mga sitwasyon na posibleng maganap sa oras ng lindol.

Ang nabanggit na drill ay pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Bukod sa kahandaan, hangad ng nasabing tanggapan na magkakaroona ang mga participants ng sapat na kaalaman sa pagsagip ng buhay na maaari nilang ibahagi sa kanilang mga pamilya.

Itinuro nila ang tamang paraan ng pagsasagawa ng “duck, cover, hold” at ang pagtungo sa open grounds upang makaiwas sa disgrasya.

Lumahok din sa pagsasagawa ng NSED ang mga kawani ng BFP, Dep Ed, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at ang mga Barangay DRRMO.