- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Fare Matrix sa mga traysikel, ipatutupad sa Batangas City
- Details
- Wednesday, 17 April 2024 - 9:00:00 AM
Nakatakdang maglabas ng fare matrix ang Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) para sa mga tricycle drivers sa lungsod sa mga susunod na araw.
Ayon sa Traffic Operations and Maintenance Section Chief ng nabanggit na tanggapan na si Cris Mark Banaag, ito ay bunsod ng dumaraming bilang ng mga reklamong kanilang natatanggap hinggil sa overcharging.
Maglalagay aniya sila ng mga tarpaulin sa mga terminal ng traysikel upang maging gabay ng mga drayber, operators at mga pasahero.
Nakapag-isyu na aniya sila ng fare guide noong mga nakaraang taon subalit dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina ay kailangan itong iadjust.
Sinabi din niya na ang naturang hakbang ay alinsunod sa Batangas City Traffic Ordinance of 2020.
Isinasaad ng Article XXXII Sec 166 at Article XXXIII Sec 184. 1 na ang unang dalawang kilometro mula sa origin patungo sa destinasyon ay nagkakahalaga ng P 12.00.
Para sa mga estudyante, senior citizens at PWDs, ang kanilang babayaran ay P 9.60 lamang. Isinasaad din nito na dalawang pasahero lamang ang dapat lulan ng traysikel at bawal ang mga rider. Kung nais naman ng pasahero na special trip, pang dalawang tao ang dapat bayaran o katumbas nito ay P 24.00. Maaaring magbigay ng karagdagang bayad subalit hindi maaaring magdemand ng karagdagang singil ang mga drayber.
Ang mga designated terminal ng G1 at G2 ay sa may Plaza Mabini, G3 sa D.Silang sa may BANAHIS at ang bumabyahe ng G4 ay sa Arce Subdivision.
Binigyang diin ni Banaag na maaaaring matanggalan ng prangkisa ang sinumang mapapatunayang lalabag dito at ang mga tumatangging magsakay ay papatawan ng karampatang multa.
Hangad nila na maipatupad ang ordinansa para sa kapakanan ng mga mananakay. Ipinabatid din niya na on-going ang kanilang pag-iisyu ng prangkisa sa mga colorum tricycles bilang proteksyon na rin sa mga pasahero. Maaaaring tumawag sa Hotline ng TDRO o mag message sa kanilang FB page kung may reklamo.
Samantala, patuloy pa din ang nabanggit na tanggapan sa pagsasagawa ng non stop clearing operations upang tanggalin ang mga obstructions, eye sores at illegal structures upang maging mas maluwang ang mga kalye at mabigyan ng kaalwanan ang mga pedestrian.
Hinikayat din niya na bukod sa pag-iingat sa pagmamaneho, mahalaga aniya ang pagkakaroon ng disiplina upang maiwasan ang mga road accidents. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.