Mga kandidato sa BSKE 2023 sa Batangas City, nakiisa sa Unity Walk

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Mahigit sa 3,000 kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 ang nakiisa sa Unity Walk at Covenant Signing na idinaos sa Batangas City Sports Complex, September 16.

Ang nabanggit na gawain ay pinangunahan ng Batangas City Police Station (BCPS) at Batangas City Comelec Office katuwang ang lokal na pamahalaan.

Nakiisa din ang Department of Education, City DILG, Batangas Police Provincial Office (BPPO), Philippine Army, Provincial Comelec Office, Bureau of Fire Protection, Bureau Jail Management and Penology, mga religious denomination at iba pang konsernadong ahensya.

Layunin nito na masiguro ang pakikiisa ng lahat para sa isang malinis, ligtas, payapa at maayos na halalan.

Kaugnay nito, nanumpa ang mga kandidato para sa "pledge of integrity" na pinangunahan ni City Comelec Officer, Atty. Jonathan Carungcong.

Ang "Pledge of Commitment for Unity, Peaceful, and Honest BSKE 2023" para sa mga Philippine Uniformed personnel, at mga kawani ng ahensya ng pamahalaan ay ginampanan naman ni BPPO Provincial Director, PCOL Samson Belmonte.

Ayon kay Provincial Comelec Officer, Atty. Jonalyn Sabellano, ang Batangas City ang may pinakamaraming kandidato para sa BSKE 2023 sa buong probinsya.

Kung kayat mahigpit ang kanyang tagubilin na sundin ng mga ito ang mga batas at patakaran para sa maayos na halalan, iwasan ang maagang pangangampanya at kumilos ng may integridad sa lahat ng pagkakataon.

Hiniling din niya na irespeto ang mga guro bilang mga miyembro ng electoral board.