Namahagi ng 134 biik sa 27 recipients ang City Veterinary Office noong July 20.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Ito ay kaugnay ng swine dispersal program na bahagi ng mga proyektong pangkabuhayan ng pamahalaang lungsod na naglalayong mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga residente ng Batangas City.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Loyola Bagui, umaasa siyang ang mga ipinagkaloob nilang biik ay mapaparamai at mapapalaki ng maayos upang lubos nilang mapakinabangan.

Naging kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha si Konsehal Boy Dimacuha na nagpaalala na ang pag-aalaga ng hayop ay may kaakibat na tungkulin at responsibilidad.