Batangas City, ginawaran ng commendation para sa eBOSS implementation

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ginawaran ng certificate of commendation ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pamahalaang lungsod dahil sa mahusay na implementasyon ng Electronic Business-One-Stop-Shop (eBOSS) na ipinatutupad ng Business Permits and Licensing Office (BPLO).
Ang certicate of commendation ay ipinagkaloob ni ARTA Director General, Sec. Ernesto Perez kina Mayor Beverley Dimacuha, Congressman Marvey Mariño, BPLO Head, Ditas Rivera at City Government Asst. Dept. Head 1, Atty. Erwin Aguilera, noong July 21.

Ang Batangas City ang kauna-unahang lungsod sa Southern Luzon region na binigyan ng naturang commendation dahil sa pagpapatupad nito ng simpleng proseso ng business permit application, pagtugon sa mga isyu sa local permits and licenses at pagpapatupad ng mga reporma gamit ang teknolohiya para sa mas maayos at mahusay na proseso.

Sa isinagawang monitoring ng ARTA, napatunayang epektibong naiipatupad ng pamahalaang lungsod ang lahat ng functionality sa pagse-set up ng eBOSS na naayon sa ARTA-DTI-DILG-DICT Joint Memorandun Circular (JMC) No1. S. 2021 o “Guidelines for Processing Business Permits, Related Clearances and licenses in all Cities and Municipalities”.

Dahil dito, madalas bisitahin ng ibang LGUs ang Batangas City para maging benchmark ng kanilang business permit system.
Ayon kay Sec. Perez, ang eBOSS ay isang paraan din upang mapigilan ang korupsyon sa gobyerno.