Tatlong environment awards ang tinanggap ng Batangas City noong nakaraang linggo

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Una rito ang honor award na ipinagkaloob ng World Wide Fund (WWF) dahil sa mahalagang kontribusyon at programa ng lungsod upang maisulong ang isang “plastic-free nature”.

Sa idinaos na Environment Summit noong July 21, ay ginawaran ng plaque of recognition ng DENR- Environmental Management Bureau (EMB)- CALABARZON Region ang lungsod bilang pagkilala sa mahabang panahon ng aktibong partisipasyon at dedikasyon nito na protektahan ang mga anyong tubig sa pamamagitan ng Adopt-an-Estero/ Waterbody Program.

Tumanggap ng Hall of Fame award ang Ka-BRAD (Katuwang ng Barangay Responsible Aktibo, Disiplinado) program na nakatuon sa Solid Waste Management.

Kinilala ng EMB ang natatangi at tuloy-tuloy na implementasyon ng mga programa ng Ka-BRAD kahit noong panahon ng pandemya.
Ang mga awards na ito ay tinanggap nina Solid Waste Management Board (SWMB)Vice-Chairperson at GSO, Joyce Cantre at Board Secretary at City ENRO Oliver Gonzales, kasama SWMB members - City Budget Officer Manolo Perlada at City Accountant Sheryll Bool.
Ang nasabing mga awards ay iprenesenta kay Mayor Beverley Dimacuha sa Ka-BRAD Awards: Makakalikasang Aksyong Mamamayan noong July 22.