10,132 trabaho inalok sa PESO job fair

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 1,056 aplikante ang sumubok na magkatrabaho sa Handog Trabaho ni Mayor Beverley Rose Dimacuha job fair ng Public Employment Service Office (PESO) kung saan may inalok na 10,132 job openings noong September 29 sa Batangas City Coliseum.

Ito ay nilahukan ng 32 local companies at anim na international companies.

Ilan sa mga malalaking kompanyang lumahok ay ang The SM Store, Meralco, JG Summit Petrochemical Corporation, Rustan Supercenters, Mc Donald’s, Toyota Batangas, Honda Cars Batangas, Homeworld Shopping Center at marami pang iba.

Ayon sa tala ng PESO Batangas City, may 58 aplikante ang na hired-on-the-spot. Nagsusumite sa PESO ang mga kompanya ng listahan ng mga na hired-on-the spot, ilan ang qualified at hindi nag qualified kung kayat namomonitor ng opisina ang status ng mga natulungan at nakinabang sa naturang job fair. Sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE), masisiguro na legal o lehitimo ang mga kompanyang lumalahok sa job fair na ito upang maiwasan ang illegal recruitment. (PESO Batangas City)