Cultural show sa pakikipagtuwang ng CCP idinaos sa Sports Coliseum

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isang cultural show na may titulong Gintong Alab sa Silangan (Pearl of the Orient) ang ginanap sa Batangas City Sports Center ngayong araw na ito, September 28.

Ito ay bahagi ng Ugnayan sa Sining - 2018 Regional Collaborations, Community Performances and Exchange Tours. Ang pagtatanghal na ito ay sumasalamin sa mahahalagang kabanata ng kasaysayan ng bansa.

Nagtanghal dito ang Maskara Theater Ensemble ng USLS Bacolod, Integrated Performing Arts guild ng Misu-it, Iligan City, Sinukwan Kapampangan Performing Arts at Philippine Barangay Folkdance Troupe Rondalla.

Nanood ang mga high school students mula sa public at private schools.

Ang pagtatanghal na ito ay handog nina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Marino at Batangas City Cultural Affairs Committee, sa pakikipagtulungan ng National Commission for the Culture and the Arts, Cultural Center of the Philippines at CCP Outreach Department.

Ang matinee show ay ginanap ng alas tres ng hapon habang ang gala show naman ay sa ikaanim ng gabi.

Nauna rito, nagdaos ng workshop noong September 27 ang Philippine Barangay Folkdance Troupe Rondalla sa Pastor Art Center na dinaluhan ng mga grade 7 at grade 8 students ng Marian Learning Center and Science Highschool (MLCSH) habang ang Sinukwan Kapampangan Performing Arts ay sa Batangas City Sports Center na dinaluhan ng mga mag-aaral ng Batangas State University, MLCSH, Cristo Rey Institute for Career Development at Batangas Highschool for Culture and Arts.

Una rito, nagtanghal din ang grupo sa Tubod, Lanao Del Norte, Pagadian City at Maasin, Southern Leyte. (PIO Batangas City)