TINGNI: Magandang balita para sa 44,000 senior citizens sa lungsod

  1.jpg

Higit na pinaganda ng pamahalaang lungsod ang mga identification cards na gagamitin nila sa mga opisyal na transaksyon. Ang bagong ID ay gawa sa polyvinyl chloride o PVC kung kaya’t ay mas matibay at protektado kahit mabasa.

May QR code din ito na maaaring i-scan upang makita ang personal information ng may- ari ng card. Kaugnay nito, isinagawa ang ceremonial distribution ng mga bagong ID sa pangunguna ni Mayor Beverley Dimacuha kung saan ang unang set ay ipinagkaloob sa mga senior citizens na department heads.

Kasama ni Mayor sa nabanggit na okasyon sina Senior Citizens Federation President Rufina Gamab at Sangguniang Panlungsod Committee on Senior Citizens Chairperson Councilor Boy Dimacuha.

Nakiisa rin sa distribution sina Vice Mayor Alyssa Cruz, mga konsehal at mga opisyal ng City Council for the Elderly (CCE). Nakatakdang ipamahagi ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ang ID sa iba’t ibang barangay upang hindi na magsadya pa sa kanilang tanggapan ang kanilang mga myembro. (PIO Batangas City)