Samahan ng mga kababaihan nagsanay sa paglapat ng first aid

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay sa first aid ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang unang batch ng mga presidente ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) sa mga barangay, October 1-2, sa layuning mapalawak ang kaalaman ng mga taga lungsod sa pagsasalba ng buhay lalo na sa panahon ng emergency o kalamidad.

Ang mga participants ay sinanay sa Principles of Emergency Care, Standard First Aid and Basic Life Support Orientation, Respiratory Arrest and Rescue Breathing, Foreign Body Airway Obstruction, Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator (AED).

Sinabi ni Rod De La Roca, pinuno ng CDRRMO, na “higit pa sa pinakamagaling na doktor at hospital ang maitutulong ng isang trained sa first aid at BLS sa agarang intervention o pagsaklolo sa isang taong nanganganib ang buhay. Nagsilbing resource speaker’s sina SFO1 Carlo Castro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Shiela Glenda Manalo ng City Health Office (CHO).

Itinuro sa participants kung paano mag assess ng biktima, bandaging, proper transfer of victim, proper handling at kaalaman sa unang dapat gawin sa mga kaso kagaya ng pagkabigla, pagdurugo at pagkasugat, pagkasunog, pagkabulon, pinsala sa mata, pagkahimatay, heat stroke, injuries at biglaang sakit.

Ayon sa mga lumahok, malaking tulong ang seminar na ito sa kanila dahil bukod sa nadadagdagan ang kanilang kaalaman ay makakapagturo pa sila sa tahanan, barangay o komunidad. ( PIO Batangas City)