DOLE namigay ng livelihood assistance sa ilalim ng TUPAD program

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- Tumanggap ng financial assistance na P4,000 bawat isa ang may 459 beneficiaries ng Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipag-ugnayan ni Congressman Marvey Mariño.

Ang TUPAD program ay isang community-based package of assistance na nagbibigay ng emergency employment para sa mga displaced workers, underemployed o seasonal workers na nagtrabaho ng minimum na 10 araw subalit hindi lalampas sa maximum na 30 araw depende sa uri ng trabahong gagawin.

Ayon kay Millet Salamat ng DOLE, dinagdagan nila ang livelihood assistance mula P3,700 sa P4,000 upang higit na matulungan ang mga program beneficiaries. Isa lamang sa isang pamilya ang pwede maka avail ng programa sa loob ng isang upang mas marami pa ang matulungan pamilya.

“Itinaas namin ang halaga ng tulong pinansyal para sa mga indibidwal na benepisyaryo upang masuportahan ang kanilang kabuhayan at tulungan itong mapalago bilang isang masiglang hanap-buhay," dagdag pa ni Salamat. (PIO Batangas City)