Most wanted drug personality nadakip na, P2 M halaga ng shabu nakumpiska

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Nahuli na ng Batangas City Police ang No. 3 sa Top 10 drug personalities/High –Value Target sa Batangas City bandang 9:30 kagabi, September 6 sa barangay Wawa kung saan nakumpiska sa kanya ang dalawang piraso ng transparent plastic na naglalaman ng 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2milyon ayon sa estimated value ng Dangerous Drugs Board.

Siya ay si Jojo Mallorca Y Alvarez, residente ng Wawa at Most Wanted Person din sa kasong murder. Bukod sa shabu, nakumpiska rin sa kanya ang isang kalibre 45 na baril.

Si Mallorca ay inaresto ng magkatuwang na operasyon ng Warrant at Intelligence sections ng City Police Station sa bisa ng warrant of arrest mula kay Judge Ruben Galvez ng RTC branch 3 sa kasong two counts of murder. (PIO Batangas City)