Panlimang barangay idineklarang drug-free

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

BATANGAS CITY-Magandang halimbawa ang ipinakikita ng barangay Maapaz sa mahigpit na paglaban nito sa ilegal na droga at nagbunga ang ginagawa nito ng ideklara ito ng Batangas City Police Station na drug-free barangay.

Pinangunahan ni P/Supt Sancho Celedio, acting chief of police, ang pag didikit ng drug-free barangay sticker sa mahigit na 50 bahay sa Maapaz noong Septmeber 3 kasama ang ibang pulis, barangay officials, mga pastor ng simbahan at Barangay Anti-Drug Abuse Council.

Ayon kay Pangulong Vlademir Arellano, hindi pa siya ang pangulo ay strikto na ang barangay officials sa mga taong nadating o maninirahan sa kanilang barangay kaya na momonitor nilang maige ang lahat na nakatira sa kanilang lugar. Sinabi pa niya na bago makakuha sa kanila ng residence o barangay clearance ang isang indibidwal ay kailangan muna mag pa drug test at ipakita ang resulta na siya ay negatibo sa droga.. Hindi rin sila basta nag papapasok o nag papatira ng hindi lehitimong taga barangay. Nag sasagawa rin sila ng unannounced random drug test sa mga kabataan.

Sinabi rin niya na malaking responsibilidad sa pamunuan niya ang pagiging drug- free ng kanilang barangay dahilan upang lalo silang maging mapagmatyag sa kanilang residente. (PIO Batangas City)