CHO magsasagawa muli ng blood donation campaign

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Magkakaroon ng blood donation project ang Batangas City Health Office (CHO) sa September 10, mula ika-8:00 ng umaga sa Pallocan West covered court.

Inaasahan na pangunahing magbibigay ng dugo ang mga residente ng mga barangay na kabilang sa Rural Health Unit 6 kagaya ng: Pallocan West, Pallocan East, Sampaga, Tulo, Paharang East, Paharang West, Bilogo, Maapaz, Sico, Gulod Labac, Gulod Itaas, Mahacot East, Mahacot West, Catandala, Dalig, San Pedro at Dumantay.

Inaasahan din ang pakikiisa ng lahat ng taga-lungsod sa proyektong ito ng Department of Health na binibigyang prayoridad ng CHO.

Noong nakaraang taon ay ginawaran ng award ang ang Batangas City bilang Most Outstanding City in the Province of Batangas dahil sa mahusay na implementasyon ng CHO ng mga programa at proyekto na naayon sa Republic Act 7719 o ang National Blood Service Act of 1994.

Layunin ng CHO na magkaroon ng sapat na supply ng dugo sa lungsod upang makatulong sa pagliligtas ng buhay. (PIO Batangas City)