City gov’t. basketball at volleyball tournament binuksan na

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang pormal na pagbubukas ng Batangas City Government Inter-Department/Division Basketball Tournament, September 5, sa Batangas City Sports Center.

May 16 na team ang lumahok sa basketball, walo sa men’s volleyball at anim sa women’s volleyball.

Binigyang diin ni City Administrator Atty. Narciso Macarandang sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng sports sa pagdevelop ng disiplina, teamwork at magandang samahan sa pagitan ng mga kalahok.

Tinanghal na muse ng liga si Queenie Faye Espeleta ng team CMO, na siya ring tinanghal na Bb. Lungsod ng Batangas 2018.

Ang lighting of torch ay ginampanan nina Norwyn Obilo -Basketball MVP, Christopher Rubia – Volleyball Men MVP at ni Lyka Sapinoso – Volleyball Women MVP.

Si Phoebo Perez ng CMO basketball team ang nanguna sa panunumpa ng oath of sportsmanship.

Nanalo sa first game sa volleyball men ang CMO laban sa koponan ng Sangguniang Panglungsod at nagwagi naman ang GSD laban sa CHO sa volleyball women.

Ang Batangas City Government Inter-Department/Division Basketball Tournament ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Batangas City Sports Development Council na pinamumunuan ni City Sports Council Consultant Guilbert Alea. (PIO Batangas City)