Medical at dental mission kaloob ng Pilipinas Shell sa host barangay

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Muling nagsagawa ng medical at dental mission ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC) sa kanilang host barangay ng Tabangao at apat pang barangay na bumubuo ng TALIM kasama ang ilang mga samahan at ahensya ng pamahalaan noong September 1 sa Shell Tabangao covered court.

Katulong ng PSPC dito ang Pilipinas Shell Foundation Inc., Shell Tabangao Ladies Circle, Malampaya Foundation Inc., Executive Optical Batangas, Lions Club, Philippines Air Force – Air Education & Training Command, Batangas Medical Society, Provincial Health Office, Batangas City Health Office, Philippine Red Cross Batangas Chapter, Philippine Dental Association, BCDC, Batangas Medical Center, Golden Gate General Hospital, Saint Patrick’s Medical Center at Isla Gas Terminals Inc.

Bukod sa libreng konsultasyon, nagbigay din ng kaalaman ang mga doktor tungkol sa mga dapat gawin kung paano maiwasan ang mga pangkaraniwang sakit. Libreng gupit ang handog ng Philippine Air Force Combat Group at check up naman sa mata ang hatid ng Executive Optical. Katulong din ang iba pang mga health care provider’s katulad ng mga nurses at medtech ng Lyceum of the Philippine Batangas University. Mayroon din sila diabetes at sugar screening.

Ayon kay John Peter Groot Wassink, bagong general manager ng PSPI “ I’ve been working in Shell Asia before and it is Batangas Shell Philippines I like most because of its climate and the Filipino people who are very resilient even in times of giving them task and challenges and also I like them smile. I’m happy because the medical and dental mission helped many people not only in the host barangay but also in nearby areas.”

Sinabi naman ni Darlito Guamos, External Relations Manager ng Shell Tabangao Refinery, ang nasabing gawain ay naglalayong magkaroon ng malusog na kommunidad ito rin aniya ay isang motivation sa boluntaryong pag tulong ng mga empleyado, staff, engineers ng kumpanya.

Ayon sa isang nakinabang sa mission na si Myrna Manalo, 47, at residente ng Shell Gawad Kalinga Barangay Libjo, malaking tulong ang gawaing ito sa kanila. “Matagal na panahon din kaming nakikinabang dito. Bukod sa libreng konsulta, libre ang gamot at vitamins na ibinibigay sa amin at di na kami pupunta pa ng bayan.” (PIO Batangas City)