Kooperatiba tumutulong sa marketing ng mga maliliit na negosyo

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Sa mga nagsisimula ng maliit na negosyo sa kanilang barangay, sila ay pwedeng tulungan sa marketing ng kanilang produkto ng Batangas City Rural Improvement Club Marketing Cooperative (BCRICMC).

Sa 3rd General Assembly ng BCRICMC sa Research Training Center ng OCVAS noong ika-26 ng Marso, hinikayat ng chairman nito na si Miriam Catapang ang mga residente ng lungsod partikular yaong mga myembro ng RIC na sumali sa kooperatiba at pagyamanin ang kanilang mga natutunang livelihood projects sapagkat ang kanilang mga pangunahing myembro ay yaong may mga negosyo sa kani-kanilang barangay.

Ipinabatid din niya ang patuloy na tagumpay ng Pasalubong Center, isang proyekto ng RIC na sinimulan noong 2007 sa panahon ni Mayor Eduardo Dimacuha at patuloy na nakakakuha ng suporta kay Mayor Beverley Rose Dimacuha.

Dito isino-showcase ang mga produkto ng mga kababaihan ng ibat-ibang barangay kung kayat lubos ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Catapang, isang magandang halimbawa ng natamong tagumpay ng isa sa kanilang mga myembro ay ang banana chips business ni Edna Dimayuga ng barangay Tingga Itaas. Siya ay produkto ng mga seminar sa OCVAS at isa sa mga matugumpay na entrepreneurs ngayon sa lungsod. Nagumpisa sya sa maliit na puhunan at dahil sa tulong ng pamahalaang lungsod ay napalago niya ito. Ini-export na ngayon ang kanyang mga produkto.

Ipinadadala na ng DTI at DA ang Edna’s banana chips sa ibang bansa at unti-unti nang nakikilala sa buong mundo.

Sa taong ito ay binuksan na nila ang kooperatiba hindi lamang para sa mga kababaihan kundi sa sinumang may negosyo. Ang minimum share ay P 2,000 at ang membership fee ay P 100.00 lamang.

Hanggang P200,000 ang halagang kayang ipautang ng kooperatiba sa kanilang mga miyembro para sa kanilang negosyo. Pinayuhan ni City Veterinarian Dr Mac Hornilla ang myembro ng BCRICMC na pagtuunan ng pansin ang “packaging” ng kanilang produkto upang mas maraming consumers ang tumangkilik nito at mas makilala ang mga produkto ng lungsod.

Nagpaabot ng pagbati at nakiisa din sa naturang okasyon si Congressman Marvey Marino na kinatawan ng kanyang Chief of Staff na si Eddie Boy Caringal gayundin ang Committeee Chairperson on Agriculture and Cooperative na si Coun. Serge Atienza at kanyang kabiyak na si Coun. Allysa Cruz. (PIO Batangas City)