Boxing champ at Batangenyong coach iprenesenta ang award kay Mayor Beverley

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Iprenesenta ng isang Filipino boxing champion at ng kanyang coach na taga Batangas City ang kanyang Bantamweight Championship Belt at ang Gabriel “Flash” Elorde Award kay Mayor Beverley Dimacuha kaninang umaga.

Sila ay sina Jetro Pabustan, 28, tubong General Santos City subalit nagsimulang mag train sa Batangas City noong 2017 at ang kanyang coach na si Robert Kevin Wolfert. Nakuha ni Pabustan ang nasabing Championship Belt (WBO Asia Pacific) ng talunin niya si Tatsuya Takahashi na kilalang “hard-hitting” Japanese boxer sa bantamweight fight nila noong July 3, 2017 sa Korakuen Hall, Tokyo Japan.

Iginawad kay Pabustan ang Gabriel “Flash” Elorde Award sa 18th Gabriel “Flash” Elorde Boxing Awards Banquet of Champions 2018, noong March 25 sa OKADA, Manila. Dito ay nakasama niya ang mga kilalang Filipino boxers kagaya nina World Boxing Champion Manny Pacquiao at IBF Flyweight Champion Donnie “Ahas” Nietes iba pa.

Ayon kay coach Kevin, tuloy tuloy ang pag-eensayo ni Pabustan kung saan madalas ay makikitang tumatakbo sya sa Bolbok Sports complex at sa Community Park. “Advantage po ang running dito sa city, dahil walang air pollution,” sabi ni coach Kevin. Ang iba pang training nila ay ginagawa sa Wolf-Pack Gym sa may D. Silang St., na kanyang pagmamay-ari.

Ayon kay sa kanilang dalawa, maari silang mabigay ng training sa mga mahihilig sa boxing at gustong makilala sa sport na ito. (PIO Batangas City)