Ultimate HipHop panalo sa domination international

  1.jpg

Nag courtesy call kaninang umaga ang grupong “Ultimate Hiphop” kay Mayor Beverley Dimacuha upang magpasalamat sa malaking suporta nito sa grupo bago ang kompetisyon.

Nakamit ng grupong “Ultimate Hiphop” ng Batangas ang 1st place sa katatapos na Domination International Dance Competition (main division category) world championships na ginanap sa ERPAC – Edmund Rice Performing Arts Centre - Brisbane, Australlia noong September 12 – 16.

Sa main division category, Champion ang “Another One” (Australlia), 1st placer ang UHH (Philippines) at 2nd placer ang FEUsion (Philippines).

Matatandaang sila ay 3rd placer sa sa domination philippines at napili para irepresent ang bansa sa Australlia. Ang grupo ay sa ilalim ng koryograpiya ni Mr. Mark Cababan. (PIO Batangas City)