Karahasan laban sa mga kababaihan at iba pang issues tinalakay

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagkaroon ng symposium tungkol sa iba’t ibang issues na may kinalaman sa kababaihan ang Kalipi na samahan ng mga kababaihan sa Barangay 6 noong September 29.

Layunin nito na mapalawk pa ang kamalayan ng mga kababaihan sa kanilang mga karapatan lalo na sa kanilang kalusugan at kabuhayan at maiparating ang kanilang mga sitwasyon at saloobin upang matugunan ang kanilang kapakanan.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang Violence Against Women and Children(VAWC) kung saan binigyang diin ang pag kondena sa mga karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan at kung ano ang proseso ng pagsusumbong sa awtoridad kung nakakaranas ng mga ganitong problema. Tinalakay din ang Disaster Rescue and Management kung saan itinuro kung ano ang mga dapat gawin bago at pagkatapos ng kalamidad. Sa aspeto ng kalusugan, ipinaliwanag ang tungkol sa family planning sa harap ng patuloy na pagtaas ng populasyon, mataas na insidente ng premarital sex at teenage pregnancy at iba pa. Pinagusapan din ang peace and order at mga batas na dapat malaman at sundin.

Ayon kay Marichris Abanador, presidente ng Kalipi ng brgy. 6, malaking tulong ang gawaing ito upang tuluyan ng mawala ang kaso ng karahasan sa mga kababaihan sa kanilang barangay kung saan mataas ang bilang ng mga battered wives. “Inaasahan namin na sa pamamagitan ng symposium na ito ay mabawasan ang mga kaso ng mga bata at mga kababaihan na inaabuso, importante din sa amin ang matutong mag rescue sa mga nangangailangan at malaman ang tamang pag pa plano ng pamilya,” dagdag pa niya.

Samantala, bilang bahagi ng kanilang programa na palakasin at masanay sa pakikisalamuha ang mga kababaihan, isinagawa nila ang kauna-unahang Search for Gandang Kalipi 2017 na ginanap sa Teachers Conference Center. Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod: Gandang Kalipi 2017 ay si Mavy Sison, 1st runner- up si Erika Abanador, 2nd runner- up si Wilcy Carpio at 3rd runner- up si Vanessa Rayos.