Naipagawang infrastructure projects iniulat ng engineering office

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 7.png 8.jpg

Apat na public school buildings ang naipagawa ng pamahalaang lungsod simula Enero hanggang Setyembre ng taong ito ayon sa City Engineer’s Office.

Kabilang dito ang 3-storey 15 classroom building sa Batangas City East Elementary School at sa Julian Pastor Memorial School sa brgy. Cuta; 2-storey 8 classrooms sa South Elementary School at Simlong Elementary School. Tuloy tuloy naman ang konstruksyon ng 4 classroom- building sa brgy. Sto. Domingo at ang pagtutuloy ng konstruksyon ng 3 storey- school building ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) sa susunod na taon.

Natapos na rin ang konstruksyon ng school stage sa Pedro S. Tolentino National High Schools sa brgy. Ilijan at ang pagsasaayos ng mga gusali sa mga pampublikong paaralan kagaya ng sa San Agapito, Isla Verde at CLB.

Binuksan na ang Evacuation Center sa brgy. Bolbok at nagamit na ito noong nakaraang buwan kung saan may 41 evacuess ang lumikas dahilan sa tropical depressions Lanie at Maring.

Natapos na rin ang pagko konkreto at pagsasaayos ng mga karsada sa may siyam na barangay kabilang dito ang Talumpok West, Sta. Rita Karsada, Sta. Rita Aplaya, Maruclap, Malibayo at iba pa. Isinasagawa ngayon ang concreting at repair ng iba pang barangay roads kagaya ng sa Talahib Pandayan, Catandala, Dalihg, San Pedro, Pagkilatan at iba. Nakatakda namang isagawa ang pagko konkreto at repair/rehabilitaiion ng mga 84 kalsada sa Poblacion kasama ang DJPMM road sa bagong palengke sa susunod na taon.

Ilan pa ring mga drainage system ang natapos na at ginagawa sa kasalukuyan upang maiwasan ang pagbaha sa Poblacion at mga rural barangays.

Nakapagpagawa rin ang pamahalaang lungsod ng mga day care centers , health centers, birthing facilities at mga multi-purpose covered court.

Tuloy tuloy pa rin ang konstruksyon ng 3rd bridge mula brgy. Kumitang Ibaba (sitio Ferry) hanggang brgy . Gulod Labac.

Marami pa ring infrastructure projects ang kasalukuyang ipinagagawa ng pamahalaang lungsod ang nakatakdang matapos sa buwan ng Nobyembre at Disyembre ngayong taon. (PIO Batangas City)