Taga Kumintang Ibaba tumanggap ng mga serbisyo sa 79th anniversary ng barangay

  79thanniv1.jpg 79thanniv10.jpg 79thanniv11.jpg 79thanniv12.jpg 79thanniv13.jpg 79thanniv14.jpg 79thanniv2.jpg 79thanniv3.jpg 79thanniv4.jpg 79thanniv5.jpg 79thanniv6.jpg 79thanniv7.jpg 79thanniv8.jpg 79thanniv9.jpg

BATANGAS CITY- Naging bahagi ng pagdiriwang ng ika-79 anibersaryo ng Barangay Kumintang Ibaba ang Barangay Action Caravan ng pamahalaang lungsod na nagkaloob ng iba’t ibang serbisyo sa mga residente dito.

May libreng check-up, bunot ng ngipin, rehistro ng birth certificate, pag bibigay ng gamot, mga butong pananim at gamot sa mga alagang hayop. Namigay din ng EBD scholarships, EBD health card, PWD card at senior citizen ID.

Lumahok din sa pagdiriwang ang Batangas Medical Center na nagkaloob ng free clinic.

Nagkaroon ng palarong pabitin para sa mga bata habang ang Batangas Crown Lions ay naghandog ng feeding program para sa mga daycare children at groceries para sa mga seniors. May libreng gupit handog ng mga beauty parlors at nag bigay ng tubig ang nature’s spring sa barangay. Namahagi naman ang CSWDO ng rice subsidy para sa mga indigent families.

Pinasaya ang mga tao ng barangay videoke challenge, barangay disco at bingo social kung saan isang cavan ng bigas ang mga premyo.

Sinabi ni Barangay Chairman Lorenzo Gamboa Jr. na “tunay na mahalaga ang araw na ito dahil nasa ika limang taon ko ng ipinagpapatuloy ang Barangay Day mula ng ako ay maupo bilang ama ng barangay. Aniya, huling termino niya bilang chairman ng barangay kaya nais lamang niya maging mas makabuluhan at makitang masaya at nag kakaisa ang mga residente dito.

Lumahok sa Barangay Caravan ang City Health Office (CHO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), Civil Registrar’s Office (CRO), Mayor’s Action Center  at Public Information Office (PIO). (PIO Batangas City)