Naga City pinag-aralan ang e-budgeting ng lungsod

  naga1.jpg naga2.jpg naga3.jpg naga4.jpg naga5.jpg

BATANGAS CITY- Bumisita ang buong staff ng Budget Department ng Naga City government sa Batangas City sa pangunguna ng budget officer nito na si Frank Mendoza upang pag-aralan ang e-budgeting dito.

Sila ay malugod na tinanggap nina Batangas City Budget Officer Elizabeth Delos Reyes, OIC City Accountant Sherryl Bool at Supervising Administrative Officer – IT Dept. Raymond Sadiwa. Ayon kay Mendoza, gusto nilang makita ang ginagawa sa ibang lugar upang matuto rito ng mas mahusay na sistema at mai apply sa kanilang lugar. “Kaya ng makita ko ang annual budget nila nakakita agad ako ng solusyon sa suliranin namin sa aming tanggapan,” dagdag pa ni Mendoza.

Aniya, ang mga nakita niyang day to day regulations dito ang mahalaga sapagkat ito ang may impact sa serbisyo ng opisina. Nakita rin niya na mas malaki ang opisina ng Budget Department dito kumpara sa kanila at mas marami ang personnel kung saan ito ay mahigit 20 kumpara sa kanila na may 10 empleyado lamang.

“Halos doble naman kasi ang budget ng Batangas City kumpara sa Naga City na may budget lang na P1.1 billion kumpara sa Batangas City na P1.8 billion.” (PIO Batangas City)