Batangas Bureau of Customs isa sa top 3 sa koleksyon

  BOC1.jpg BOC2.jpg BOC3.jpg

Sinabi ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na isa ang Batangas Port sa top three best collection districts sa buong Pilipinas sa nakalipas na 12 buwan.

Naging panauhing pangdangal si Faeldon sa pagdiriwang ng 60th Founding Anniversary ng Bureau of Customs Port of Batangas noong nakaraang linggo kung saan sinabi niya na ang mataas ng collection ng nasabing ahensya ay patunay ng mahusay na performance ng mga empleyado.

Ibinalita naman ni Port of Batangas District Collector Reynaldo Galeno na mas mataas ng 0.26% ang actual collection ng kanilang ahensya mula Enero hanggang Hulyo, 2017 kung saan ito ay umabot sa P58,048,575,149.81 kumpara sa target nito na P57, 896,958,000.00. Umabot naman sa P5,056,417,183.00 ang actual collection nito mula August 1 hanggang 16 na mas mataas ng 58.06% kumpara sa target.

Ginawaran ng certificate of commendation ang mga empleyado ng Port of Batangas dahil sa mahusay nilang performance na nagbigay ng mataas na koleksyon. Binigyan rin ng sertipiko ang mga retirees bilang pagpapahalaga sa kanilang naging serbisyo sa bureau.

Binigygan din ng certificate of appreciation ng ahensya ang top 10 importers sa Batangas bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa paglago ng collection ng Batangas Bureau of Customs. Ang mga ito ay ang Toyota Motors Corp, Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Mitsubishi, Chevron, Hyundai, Nissan Philippines, Isuzu Philippines, Isuzu Philippines, Honda at Suzuki. (PIO Batangas City)