Inspection ng mga gusali pagkatapos ng lindol isinagawa upang maisiguro ang public safety

  inspection1.jpg inspection2.jpg inspection3.jpg inspection4.jpg inspection5.jpg inspection6.jpg inspection7.jpg inspection8.jpg inspection9.jpg

Pinangunahan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang pag-i-inspeksyon at damage assessment ng mga gusali sa lungsod matapos na yanigin ang buong Batangas Province ng intensity 5.4 na lindol bandang 8:58 kagabi (April 4) kasama ang mga structural at electrical engineers ng City Engineers Office (CEO) at pribadong kumpanya.

Unang binisita ng grupo ang Basilica Immaculada Concepcion kung saan ayon sa initial assessment ay nagkaroon ng minor damages na kasalukuyang isinasaayos upang mabuksan kaagad sa publiko para sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

Pinuntahan rin nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha ang St. Bridget College, University of Batangas, St. Patrick’s Hospital, Golden Gate Hospital, at Batangas Medical Center hindi lamang para mag inspeksyon sa naging pinsala ng lindol kundi upang alamin ang kalagayan ng mga pasyente na pansamantalang inilabas ng ospital kagabi upang maisiguro ang kanilang kaligtasan habang may mga pagyanig.

Ang ibang grupo naman ng mga engineers at miyembro ng City Disaster and Risk Rerduction Council (CDRRMC) ay patuloy sa pagsasagawa ng inspeksyon sa ibang establisimiento at mga paaralan sa iba’t ibang barangay.

Ang assessment report at recommendations ng lahat ng grupo ay kaagad isusumite sa CEO para sa kaukulang aksyon. Sinabi nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha na nakahanda ang pamahalaang lungsod na tumulong sa mga apektado ng lindol.(PIO Batangas City)