Patuloy na suporta sa edukasyon ng mga bata sa social action center ng Basilica sinigurado ni Mayor Beverley

  sac1.jpg sac2.jpg sac3.jpg sac4.jpg sac5.jpg sac6.jpg sac7.jpg sac8.jpg

Sinabi ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na ipagpapatuloy ng pamahalaang lungsod ang suporta sa Lingap Pangarap ng mga Paslit Center Inc. na isang social action center ng Basilica Immaculada Concepcion sa Araw ng Pagkilala ng may 119 day care students ng nasabing center noong nakaraang linggo.

Ilan sa mga suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod ay ang pagtatalaga ng mga social workers mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na siyang nagtuturo at nangangalaga sa mga bata, mga programang pang-agrikultura mula sa City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), EBD healthcard para mga magulang ng mga bata at iba. “Patunay ito na maaring magtulungan ang simbahan at pamahalaan,” ayon kay Mayor Dimacuha.

Pinuri ni Mayor ang mga day care workers sa matiyagang pag-aalaga at pagtuturo ng mga ito sa mga bata at pinaalalahanan ang mga magulang na bigyan ng sapat na panahon ang mga anak at gabayan sila sa maayos na pagpapalaki. Dumalo sa Recognition Day si Fr. Odong Dimaapi, Parish Priest ng Basilica kasama ang ilang opisyal ng mga samahan ng simbahan.

Ang mga batang kinilala sa Lingap Center ay kabilang sa 4,780 day care children sa Batangas City. (PIO Batangas City)