Senior citizens katulong sa pagbibigay ng impormasyon sa Philhealth benefits para sa mga katandaan

  seniorcitizen1.jpg seniorcitizen2.jpg seniorcitizen3.jpg seniorcitizen4.jpg

Inaasahang makakatulong ng Philhealth ang mga opisyal ng Senior Citizens Federation sa lungsod ng Batangas sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa mga Philhealth benefits sa kanilang kapwa senior citizens. Ito ay matapos dumalo ang mga nasabing opisyal sa dalawang araw na Philhealth Training for Senior Citizen Information Disseminators of Batangas City noong March 23 at 24.

Ilan sa mga tinalakay dito ang lifetime membership ng mga senior citizens, kung saan itinuturing na lifetime members ang mga may edad 60 years old pataas na nakapaghulog na ng 120 buwanang kontribusyon o higit pa sa Philhealth o sa dating Medicare. Kahit hindi nakapaghulog ng kontribusyon ay lifetime members pa rin ang mga senior citizens sa ilalim ng RA 10645 kung saan ang national government ang nagbibigay ng kanilang kontribusyon sa Philhealth. Dahil lifetime member, tuloy tuloy ang benepisyo ng Philhealth sa mga senior citizens.

Ipinaliwanag rin dito ang no- balance- billing na karaniwang nabibigay ng kalituhan sa mga nakatatanda. Dito ay 100% covered ng Philhealth kayat walang balanseng babayaran ang senior citizen na pasyente sa kanyang confinement sa isang government hospital sa ward-type na silid. Mabilis at maalwan ang transaksyon nito dahil may system portal na ang Philhealth para ma-check ang estado ng Philhealth members.

Naging bahagi pa rin ng training ang demonstration kung saan ipinakita kung paano isasagawa ng mga seniior citizens and information dissemination. Ang nasabing training ay isinagawa ng Phlhealth sa kauna unahang pagkakataon. (PIO Batangas City)