Earthquake drill sa paaralan dapat seryosohin ng mga estudyante

  earthquakedrill1.jpg earthquakedrill10.jpg earthquakedrill11.jpg earthquakedrill12.jpg earthquakedrill13.jpg earthquakedrill14.jpg earthquakedrill15.jpg earthquakedrill16.jpg earthquakedrill17.jpg earthquakedrill18.jpg earthquakedrill19.jpg earthquakedrill2.jpg earthquakedrill20.jpg earthquakedrill3.jpg earthquakedrill4.jpg earthquakedrill5.jpg earthquakedrill6.jpg earthquakedrill7.jpg earthquakedrill8.jpg earthquakedrill9.jpg

BATANGAS CITY-Sa student population na 6,260, ang Batangas National High School ang may pinakamalaking bilang ng mga estudyante sa Batangas City, subalit hindi ito naging problema upang makapagsagawa ito ng isang maayos at mahusay na earthquake drill sa ginanap na 2017 1st Quarterly Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw na ito.

Mayroon itong Contingency Plan na naging guide ng kanilang drill at may mga Disaster Risk Reduction and Management committees. Maayos ang mobilization sapagkat alam ng mga committees ang kanilang duties at responsibilities.

Bandang 9:20 ng umaga ng patunugin ang siren kasabay ang bell upang higit itong madinig ng mga bata na lumabas ng kanilang rooms ng nakapila at naka Duck, Cover and Hold. Tumagal ang paglabas ng mga bata papuntang evacuation area ng halos 16 na minuto kung saan dapat ito ay tumagal lamang ng 10 minuto.

Naobserbahan sa mga bata na hindi pa nila naseseryoso ang drill kung kayat may kabagalan ang kanilang paglalakad na dapat ay mabilis.

Sa ginawang evaluation ng drill ng mga kinatawan ng CDRRMO, PIO at CSWDO, nabanggit dito ang pangangailangan ng paaralan ng isang ambulance upang magamit kung magkaroon ng lindol para sa mga magkakaroon ng injury. Ang dalawang sasakyang ginamit sa drill sa pagdadala ng mga nasaktan sa ospital ay mga personal na pag-aari ng guro.

Iminungkahi rin na magkaroon ng karagdagang medical team at ibayong pagsasanay ang rescue team upang higit na maasikaso at mapangalagaan ang mga nasaktan at nasugatan. Dapat ding seryosohin ng mga bata ang drill kung saan dapat silang kumilos na aktwal nilang nararanasan ang lindol.

Ayon sa isang staff member ng paaralan, nagpa practice sila ng drill tuwing ikatlong buwan at may 16 na portable radios na ginagamit nila sa communication kung saan ang mga ito ay bigay ng mga naging alumni ng paaralan.

Sinabi naman ng principal ng BNHS na si Mrs. Lorna Ochoa na marami na silang nagawang mga hakbang upang maseguro ang kaligtasan sa kanilang paaralan, maiwasan ang mga karahasan at madisiplina ang mga eskwela sa tulong ng Parents Teachers Association. Balak nilang magsagawa ng bomb drill sa susunod upang maihanda ang paaralan sa mga bomb threats.

Nagsagawa rin ng earthquake drill ang Alangilan Central at Gulod Elementary Schools.(PIO Batangas City)