CLB, susunod na host ng USCAA Season 21

  USCAA1.jpg USCAA2.jpg USCAA3.jpg USCAA4.jpg USCAA5.jpg USCAA6.jpg USCAA7.jpg USCAA8.jpg USCAA9.jpg

Ginanap noong ika-24 ng Marso ang awarding at closing ceremony ng 20th season ng Universities, Schools, Colleges Athletic Association(USCAA) sa Batangas State University(BSU) Gymnasium kung saan may 13 paaralan ang lumahok.

Ayon kay Dr Tirso Ronquillo, malaking karangalan para sa kanila na makapaghost ng itinuturing na “most celebrated sports event” sa lalawigan. Hindi aniya magiging makabuluhan at matagumpay ang kanilang paghohost kung hindi dahil sa kooperasyon ng 13 paaralang kabilang dito kung kayat malaki ang kanyang pasasalamat sa mga ito.

“BSU is very happy that we were able to complete the 20th season”, ayon kay Ronquillo.

Hangad din niya na ang mga manlalaro mula sa USCAA ay makarating sa mga national games at mapabilang sa national team.

Ang mga kalahok na paaralan ay ang Batangas State University, University of Batangas, Colegio ng Lungsod ng Batangas, Scuola Maria, Lyceum of the Philippines University-Batangas, Golden Gate Colleges, Sovereign Shepherd School of Values, Sta. Teresa College, Saint Bridget College, STI, Westmead International School, Batangas Christian School, at ang Our Lady of Caysasay Academy (OLCA).

Tinanghal na overall champion sa College Senior Division ang Batangas State University at ang University of Batangas naman sa Secondary Junior Division.

Champion sa Basketball Men ang BSU, Basketball Boys (Secondary) ang UB at ang OLCA sa Basketball Boys Elementary.

Ang LPU-Batangas ang nagkampeon sa Volleyball Men at Volleyball Women; UB sa Volleyball Boys –Secondary; Batangas Christian School sa Volleyball Girls- Secondary; at SBC sa Volleyball Girls- Elementary.

Sa okasyon ding ito isinagawa ang turn-over ceremony sa Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) na syang magsisilbing host ng 21st season.

Sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Executive Assistant Manolo Perlada, sinabi niya na isang malaking hamon ang pagtanggap ng CLB kung saan siya ang Chairman ng Board of Trustees, sa pagho host ng USCAA sa next season ngayong taon. “Makakaasa ang USCAA ng 100% na suporta ng pamahalaang lungsod at ako ay humihingi ng expert guidance at support sa mga paaralang kalahok upang sama-samang mapagtagumpayan ang adhikain nito sapagkat naniniwala ako na ang USCAA ay isang paraan upang magkaisa ang mga paaralan pagdating sa sports,” sabi ng Mayor.

Ipinaabot din ni Mayor Dimacuha ang kanyang taos- pusong pagbati sa BSU sa overall Number 1 ranking nito sa katatapos na Mechanical Engineer Licensure Examination. May 132 mula sa 133 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa dito. Nakuha rin ng BSU ang ranks 4, 5, 7 at 9. (PIO Batangas City)