Mayor Beverley Dimacuha saludo sa mga babaeng pulis

  policewomen1.jpg policewomen2.jpg policewomen3.jpg policewomen4.jpg policewomen5.jpg policewomen6.jpg policewomen7.jpg

BATANGAS CITY-Nagpahayag ng paghanga si Mayor Beverley Dimacuha sa mga babaeng pulis dahilan sa tungkulin nilang maglingkod anumang oras kung kinakailangan.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, naging panauhin si Mayor Dimacuha sa flag- raising ceremony sa Batangas Provincial Police Office kung saan pawang mga kababaihang pulis mula sa iba’t ibang istasyon sa probinsiya ang dumalo.

“Ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay pagbibigay pahalaga sa kakayahan ng mga kababaihan. Tapos na tayo sa sistema kung saan ang mga kalalakihan ay parating nangunguna sa mga kababaihan. Nakakalungkot man isipin na marami pa rin sa mga kababaihan ang nakakaranas ng pangaabuso o karahasan o yun mga nagiging biktima ng paglabag sa Rep. Act 9262 o “Anti-Violence against Women and their Children Act,” sabi ng Mayor.

Binigyan diin din niya na dapat ay bigyang paghanga ang mga kababaihang nagtataguyod sa pamilya at komunidad. (PIO Batangas City.)