Produkto ng mga Kababaihan, ipinakita sa One Product One Barangay

  women1.jpg women2.jpg women3.jpg women4.jpg women5.jpg women6.jpg

Ipinagdiriwang ng Batangas City ang Women’s Month ngayong Marso sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kung saan isa sa mga gawain ay ang One Barangay One Product kung saan naka display at ibinebenta sa Gender and Development Building(GAD) ang mga produkto ng mga kababaihan sa kanilang barangay.

Ang naturang exhibit ay binuo at pinapangasiwaan ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) na samahan ng mga kababaihan sa bawat barangay.

Ilan sa mga barangay na kalahok dito at ang kani-kanilang produkto ay ang mga sumusunod:

Sorosoro Ilaya -string bag and pot holder, Ambulong-bag, Paharang West-rags/ doormat, Dela Paz Proper-home made bagoong, Dalig - handicrafts made of bamboo, Libjo-graham balls, Gulod Labac-pinipig polvoron / salabat, Sto Nino-puto, Conde Labac- puto, Haligue Silangan-yema kalabasa, Dumantay-pichi pichi, San Isidro-kutsinta, Banaba South-achara at Kumintang Ilaya-buchi.

Isang malaking programa kaugnay ng pagdiriwang na ito ang gaganapin sa Sports Coliseum sa March 8 kung saan isa sa mga tampok dito ang Search for Natatanging Babae sa Barangay. (PIO Batangas City)