Takbo para sa Batangueño Nagbabago

  funrun1.jpg funrun10.jpg funrun11.jpg funrun12.jpg funrun2.jpg funrun3.jpg funrun4.jpg funrun5.jpg funrun6.jpg funrun7.jpg funrun8.jpg funrun9.jpg

BATANGAS CITY-Nilahukan ng Batangas City Police, mga paaralan, ospital, establishments at iba pang mga stakeholders ang “Batangueno Running Against Drugs” fun run noong February 25 sa layuning maipaalam sa publiko ang recovery assistance ng kapulisan sa mga drug surrenderers at makalikom ng pondo para sa mga gastusin ng programa kagaya ng pagkakaloob ng libreng drug testing kits.

Ito ay bahagi ng Batangas City Response Against Drugs (BRAD) ng pamahalang lungsod at may temang "Tatakbo ako, Tutulong ako Para sa Batanguenong Nagbabago”.

Sinabi ni PSUPT/COP Barnard Dannie Dasugo ng Batangas PNP na sana ay patuloy na suportahan ng publiko ang ganitong gawain.

Ayon naman kay PSI GLENDA RONQUILLO CLEOFE ng Police Community Relations, ang registration fee na kanilang makakalap ay kanilang ilalaan sa mga programa at benepisyong makatutulong sa mga drug victims.

Sa men’s division, champion si Arjay Calatong ng bayan ng Alitagtag, 1st runner up si Kevin Binwag ng BJMP Calamba at 2nd runner up si Sam Makroga ng Lipa City. Sa women’s division, champion si Mary Joy Mote, 1st runner up si Del Paner at 2nd runner up si Pamela Fondevilla na pawing mga estudyante ng Lyceum of the Philippines University Batangas. Sa kids division naman ay sina Mark Arthie Rosales 1st place, David Noah Pagkaliwagan 2nd place at Cedric Rebuya na nakakuha ng 3rd place.

Ang mga nanalo ay tumanggap ng cash prizes, medals at certificates of recognition.

Nakiisa rin sa nasabing event sina Councilors Armando Lazarte, Oliver Macatangay, Philippine Institute of Civil Engineers members at ibat-ibang organizations. (PIO Batangas City.)