Batangas City Delegation, nanalo ng gold sa STCAA 2017

  BCD1.jpg BCD2.jpg BCD3.jpg

Humakot ng parangal sa Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association 2017 ang mga mag-aaral ng lungsod noong ika-13 hanggang 18 ng Pebrero sa Sta Cruz, Laguna.

Ilan sa mga nagwagi dito ay iprinesenta ng Department of Education – Division of Batangas City, sa publiko pagkatapos ng flag ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lungsod kaninang umaga.

Nagwagi ng gold medal si Jewelle Mae Macatangay sa 400 m freestyle; Jake Ellis Evangelista sa 200M IM (Sec), 400M freestyle, 100M backstroke at 200 M freestyle; Leeya Beatriz Marbella sa 800 M freestyle at 200M freestyle.

Nanalo din sina Macatangay at Marbella ng unang pwesto sa 400M Medley-Relay. Kasama naman nilang nagwagi ng gold sina Joie Millevon Theriz Macatangay at Alexandria Maria Burog sa 400M relay.

Nagpakitang gilas naman sa Taekwondo –Secondary, sina Bryle Reyneielle Magnaye at Aiko Atienza.

Lahat ng nagwagi ng unang pwesto ay lalahok sa Palarong Pambansa sa Antique sa Mayo.

Tatanggap ang mga gold medalists ng cash incentive na P 4000 mula kay Mayor Beverley Dimacuha. (PIO Batangas City)