- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CYDC magbubuo ng Youth Development Plan para sa mga kabataan ng lungsod
- Details
- Tuesday, 19 December 2023 - 3:23:00 PM
Nagsagawa ng dalawang araw na planning workshop ang City Youth Development Council (CYDC) sa layuning makapagbuo ng isang komprehensibong plano o road map na mangangalaga sa pangkalahatang kapakanan ng mga kabataan, tututok sa kanilang pag-unlad at magsusulong sa youth empowerment, December 19-20.
Ito ay bilang paghahanda sa kanilang mahalagang papel na gagampanan sa pagbuo ng isang matatag na bansa. Ang CYDC ay pinamumunuan ni SK Federation President Marcus Castillo.
Ang Local Youth Development Plan (LYDP) 2024-2026 ay nakabase sa Philippine Youth Development Plan 2023-2028 Ten Centers for Youth Participation.
Kabilang dito ang Health, Education, Economic Empowerment, Social Inclusion and Equity, Peace building and Security, Governance, Active Citizenship, Environment, Global Mobility at Agriculture.
Magbabalangkas ng resolution ang CYDC para mai-endorso sa Sangguniang Panlungsod (SP) ang naturang plano upang mapag-aralan ng konseho bago ito maging isang ganap na ordinansa.
Ang LYDP ang magiging basehan ng mga Sangguniang Kabataan upang makagawa ng kanilang 3-year Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP).
Nagsilbing resource speaker at trainor si LYD Officer Nel Magbanua na isang Accredited Training Manager ng National Youth Commission (NYC).
Ang end-term assessment at planning workshop ay pinamahalaan ng LYDO na tumatayong secretariat ng CYDC. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.