Pagsalubong sa 2024 generally peaceful, ayon sa Batangas City PN

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Tagumpay ang kampanya ng Batangas City PNP na muling maitala ang zero-incident sa lungsod na may kinalaman sa iligal na paputok maging ang mga insidenteng bunga ng indiscriminate firing noong pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa inilabas na pahayag ng naturang tanggapan, “generally peaceful” at maituturing na ito na ang safest at most uneventful observance na pagsalubong ng New Year sa lungsod ng Batangas

Ayon kay Batangas City PNP PIO, PCP Maribel Raza, walang naiulat na nasaktan sa paggamit ng paputok, biktima ng ligaw ng bala o maging report ng sunog sa lungsod.

Ito ay sa kabila ng pagkahuli at pagkumpiska ng may 185 illegal fireworks at ilang citation tickets sa paglabag sa Ordinance No. 11 o ang Ordinance Regulatory the Sale, Manufacture and other Pyrotechnic Devices in the City of Batangas Lubos naman ang kagalakan ni Batangas City PNP chief Pol/Col. Dianne Del Rosario sa ipinakitang pakikiisa at koordinasyon ng publiko sa kampanyang ito ng PNP.

Ito aniya ay katunayan na nagiging bukas na ang kaisipan ng maraming mamamayan hinggil sa kahalagan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na selebrasyon ng Bagong Taon. (PIO Batangas City)