TINGNI : Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño ang Alay Lakad 2023 noong September 1

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nakiisa sa nabanggit na gawain ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Alay Lakad Executive Committee (ExeCom) sa pangunguna ni Chairperson, Eloisa Portugal, departments heads, city government employees, provincial government representatives, DepEd Batangas City, mga kinatawan ng civic organizations, mga pribado at pampublikong kompanya, kolehiyo at unibersidad sa lungsod.

Ito ay ang muling pagsasagawa ng walk matapos ang tatlong taong pamamahinga dahil sa pandemya.

Mahigit sa P1.3 milyon ang nalikom na pondo mula dito na gagamitin sa scholarship program at iba pang proyektong pangkabataan ng samahan.
Ayon kay Portugal, inaasahan na mas maraming mag-aaral ang mabibigyan ng full scholarship mula sa nakalap na pondo.

Sa kasalukuyan ay may 3 full scholars at 25 kabataan ang tumatanggap ng educational assistance mula sa Alay Lakad Foundation. Marami na rin itong natulungang makapagtapos ng pag-aaral.

Tampok sa programa ang pagpili ng Mutya ng Alay Lakad 2023, na nakuha ni Samantha Ashyley Maligalig ng University of Batangas.