Skills training para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL), isinagawa.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Nagkaloob ng skills training ang City Agriculture Office (CAO) at ang Office of the City Veterinary katuwang ang TESDA sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) sa barangay San Jose Sico noong September 6.

Ang naturang pagsasanay ay proyekto ng Cofradia dela Inmaculada Concepcion na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga inmates na maaari nilang magamit paglabas ng kulungan upang pagkakitaan.


Ayon sa Pangulo ng samahan na si Atty. RD Dimacuha, magbibigay ang TESDA ng NC2 certificate sa mga sasailalim sa short at long courses.

Nagpaabot ng pasasalamat ang mga PDL gayundin sina Male Dorm Warden CINSP Hansel Kiwang at Female Dorm Warden na si INSP Clariza Ebora sa nasabing proyekto.