TINGNI: Pormal na binuksan at inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang OTOP.PH Hub-Batangas City sa Plaza Mabini

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Pormal na binuksan at inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang OTOP.PH Hub-Batangas City sa Plaza Mabini na magtatampok sa One Town, One Product (OTOP) OTOPreneurs, December 28.

Ang mga OTOPreneurs ay mga graduates ng DTI OTOP program na tinulungan ng nasabing kagawaran upang makapagsimula ng sariling negosyo.
Layunin ng naturang programa na makapagbigay ng assistance sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa lungsod partikular sa branding, product development, packaging, labelling and logo design, standards compliance at marketing.

Nagpaabot ng pasasalamat si DTI Provincial Director Leila Cabreros sa suportang ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod sa pagtatayo ng OTOP PH Hub.
Ayon naman kay DTI OIC Regional Director Marissa Argente, magandang pagkakataon aniya ang nasabing hub upang mai-showcase ang iba’t ibang produkto ng lungsod at maging competitive sa merkado.

Sa mensaheng ipinaabot ni Congressman Marvey Marino sa pamamagitan ni Marizel Hidalgo ng Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO), binigyang diin niya na ang pagbubukas ng OTOP.PH Hub ay isang indikasyon ng collective optimism for greater things to come sa darating na taon para sa mga otopreneurs.
Ayon naman sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha na kinatawan ni Mheann Antenor ng Mayor’s Action Center (MAC), maraming MSME’s lungsod ang matutulungan ng nabanggit na proyekto na makapaglevel up. (PIO Batangas City)