TINGNI: Namahagi ng financial assistance ang City Social Welfare & Development Office (CSWDO) sa 378 residente ng lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

TINGNI: Namahagi ng financial assistance ang City Social Welfare & Development Office (CSWDO) sa 378 residente ng lungsod mula sa ibat-ibang barangay na nawalan ng bahay dahil sa bagyong Paeng, December 22.

Tumanggap ng P 10,000 ang mga totally damaged ang bahay habang P 5,000 naman para sa mga partially damaged.
Ayon kay CSWD Officer Mila Espanola, malaking tulong ang nasabing halaga sa mga biktima ng kalamidad.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga beneficiaries sa naturang tulong pinansyal na bukod sa pagpapaayos ng kanilang bahay ay magagamit din nila ang halagang matitira upang ipambili ng pagkaing pagsasaluhan ng kanilang pamilya ngayong Pasko.

Kasabay ng pamamamahagi ng financial assistance ay ang pagkakaloob ng Social Protection Development Sustainable Livelihood Program.
Ang bawat recipient na pawang may mga maliit na negosyo ay tumanggap ng P 5,000 upang magamit nila bilang karagdagang kapital. (PIO Batangas City)