Business establishments tutupad sa mahigpit na pagpapatupad ng RA 9003

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Nagpahayag ng kooperasyon at pakikiisa ang mga business establishments sa Batangas City sa istriktong pagpapatupad ng  R . A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na sisimulan sa October 1 sa pagpupulong sa kanila ng Batangas City Solid Waste Management Board noong September 4 sa Batangas City Convention Center. Ang pagpupulong ay ipinatawag ng Enforcement Committee ng SWMB na pinamumunuan ni PSupt Sancho Celedio na kinatawan dito ni PCI Apolinario Palomino. Sinabi niya na kasama ang Monitoring Committee ay iikot randomly sa mga barangay at commercial establishments ang enforcement committee simula sa October 1, kung kaya’t dapat lamang ay may sapat na kaalaman ang mga establisimyento ukol sa batas na ito. “Hindi po namin gusto na kayo ay mahuli para mag multa o makasuhan, ang gusto po namin tayo ay magkaintindihan at magkaisa sa pangangalaga ng kapaligiran,” sabi ni PCI Palomino. 

Mahigpit na ipinagbabawal ng RA 9003 ang paggamit ng plastic, partikular ay plastic, labo, linaw at sando bag, pagtatapon ng mga basura sa kanal, ilog, dagat at iba pang lugar na hindi itinakdang tapunan, pagpapatupad ng waste segregation, recycling at paggamit ng reusable products.

Sumang-ayon ang mga establishments sa paggamit ng re-sealable plastics (zip lock) na maaring ilang ulit na gamitin, reusable containers para sa mga take-out na pagkain, paper cups sa halip na plastic cups para sa mga liquid products, kagaya ng kape, frappe’, juice, palamig at iba, eco-bags o malalaking supot para sa mga laundry shops na maaring sariling dala ng customers o bibilhin nila sa shops.

Napagkasunduan rin na maari gamitin ang plastik para sa display at taguan lamang ng mga panindang damit, sa halip ay ilalagay ito sa supot o store bag kung bibilhin ng customer. Walang plastic na dapat ilalabas ang mga boutique. Ang plastic ay iipunin ng boutique at ibabalik sa supplier ng produkto. (PIO Batangas City)