TINGNI: Isang resolusyon ang ipinasa ni Councilor Karlos Buted na humihiling kay Batangas City Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

TINGNI: Isang resolusyon ang ipinasa ni Councilor Karlos Buted na humihiling kay Batangas City Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban na hikayatin ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod na maglagay ng first aid booths na may mga well-trained emergency management personnel sa mga lugar na pagdadausan ng graduation ceremony ngayong taon.

Ang kanyang mungkahi ay batay sa DepEd Memorandum No. 23 Series of 2024 kung saan ipinag-uutos ng naturang kagawaran na isagawa ang mga End of the School Year (EOSY) rites sa mga lugar na may proper ventilation o sa mga covered courts upang maiwasan ang matinding init ng panahon.
Magugunita na inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na mas maagang magtatapos ang klase sa mga pampublikong paaralan sa darating na May 31 para sa school year 2023-2024.

Ito ay nakasaad sa Department Order 003 bilang bahagi ng paghahanda sa pagbabalik ng dating school calendar.
Ang nabanggit na resolusyon ay ipinasa sa regular sa sesyon ng Sangguniang Panglungsod noong May 14.

Nirekomenda naman ng ibang myembro ng konseho na magdala ng pamaypay, portable/rechargeable fans at water tumblers ang mga guro, mag-aaral at mga magulang na makikiisa sa seremonya.

Pinayuhan din nila ang mga kamag-anak ng magtatapos partikular yaong mga senior citizens at mga bata na may medical conditions na manatili na lamang sa bahay upang maiwasan ang mga komplikasyon.

Maaari ding magrequest sa mga paaralan na maglagay ng outdoor industrial fans at water dispenser upang magamit ng mga dadalo.