Batangas City DRRMC muling nanalo bilang best sa region

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Sa ika-apat na beses, muling tinanghal na Best City Disaster Risk Reduction and Management Council ang Batangas City sa Component City category sa Region 1V-A . Ito ay iginawad ng RDRRMC sa 20th Regional Gawad Kalasag awarding ceremony na ginanap noong August 31 sa Tagaytay International Convention Center.

Bukod sa trophy at certificate, tumanggap din ng cash prize na P50,000 ang lungsod.

Ang nasabing award ay personal na tinanggap ng Batangas City delegation sa pangunguna ni Mayor Beverley Rose Abaya Dimacuha kasama si Congressman Marvey Marino. Ang Gawad KALASAG ay pinakamataas na pagkilala na iginagawad sa isang tao, grupo, samahan, mga institusyon at LGUs na nakapagsagawa ng natatanging kontribusyon sa disaster risk reduction and management at humanitarian assistance sa bansa.

Ang KALASAG ay tumatayo sa Kalamidad at Sakuna Labanan,, sariling Galing ang Kaligtasan.

Kaugnay nito, nanalo din ng unang pwesto ang Batangas Medical Center bilang Best Hospital, Best Higher Education Institution ang Batangas State University, 1st place din bilang Early Learning Center ang San Isidro Day Care Center at ang Team Sigaw ng BSU sa Special Recognition (Group). (PIO Batangas City)