Life guards at volunteers nagsanay sa water rescue

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY- Sumailalim sa limang araw na pagsasanay ng Philippine Coast Guard sa water rescue ang may 18 lifeguards ng mga resorts sa Batangas, mga out- of- school- youth at walang trabahong residente ng Isla Verde upang makatulong sa pagliligtas ng buhay sa panahon ng emergency, aksidente at kalamidad.

Isinagawa ang pagsasanay sa Olympic size -swimming pool ng Batangas City Coliseum kung saan itinuro sa kanila ang ibat-ibang technique sa water rescue tulad ng ginagamit sa biktima ng head, neck and spinal injuries in water, head splint technique, alternate- in- line stabilization technique, spinal back boarding and deep water extrication, entries/approaches, stride jump, saving approaches, assist and rescue.

Ayon kay Roy Villanueva, chief master ng Arms Special Operation Unit ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog, malaki ang maitutulong ng tamang pagsasanay sa water rescue upang maging magaling at maalam sa pagliligtas ng buhay kasama na ang pagiging physically fit at mentally alert. (PIO Batangas City)