Buwan ng Pamilya ipinagdiriwang sa pamamagitan ng Talakayan sa Barangay

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Kaugnay ng pagdiriwang ng Family Month, nagsasagawa ngayon ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at mga katuwang na ahensya nito ng Malayang Talakayan sa Barangay mula August 28 hanggang September 5 upang pag-usapan ang mga issues na kinakaharap ng mga pamilya.

Ayon kay Mila Espanola, hepe ng CSWDO, layunin din ng talakayan na madagdagdagan ang kaalaman ng mga opisyales ng barangay lalo na ang mga bago ukol sa mga polisiya, patakaran at iba pa para sa mas mahusay na pamamahala partikular ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga barangay.

May 10 clusters ng 105 barangay sa Batangas City ang pupuntahan sa loob ng nasabing petsa kung saan paksa ng pag-uusap ang mga sumusunod: Fostership and Adoption na may temang “Tamang Pagmamahal, Palaganapin, Legal na Pag-aampon ating Gawin” na tatalakayin ng CSWDO, Update on Civil Registration (City Civil Registrar’s Office), Update on Laws on Children, Youth and Women, R.A. 9211-Executive Order no. 26 o Anti Smoking Law (City Health Office), Family Drug Prevention and Awareness Program ( Batangas City PNP), Family Disaster Preparedness and Management, Men Opposed to Violence Everywhere(MOVE), Empowerment Reaffirmation of Parental Abilities and LGBT Gender Sensitivity Program (CSWDO) at R.A 9003- “Basura Ko Responsibilidad Ko” Program (City ENRO). Namigay naman ang City Treasurer’s Office ng mga flyers tungkol sa pagbabayad ng buwis.

Sinimulan ang talakayan kahapon, August 28, para sa Cluster 1 at 2 o Barangay 1-24 kung saan ito ay idinaos sa barangay hall ng Barangay 24 at para sa Cluster 111 na ginanap sa covered court ng Brgy. Tulo. Mahigit na 100 family focal persons mula sa ibat-ibang organisasyon tulad ng Kalipi officers, solo parents, child development workers, OFW families, Pantawid Pamilya Program grantees, LGBT group, local officials at mga piling civil society organizations ang dumalo rito. (PIO Batangas City)