Batangas City, 2017 Seal of Child-Friendly Local Governance awardee

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Ginawadan ang Batangas City ng 2017 Seal of Child- Friendly Local Governance (SCFLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong August 20, 2018 sa Quezon Convention Center, Lucena City bilang pagkilala sa pagbibigay nito ng prayoridad at mahusay na implemetasyon ng mga programa para sa kapakanan ng mga bata.

Ayon kay CSWD Officer Mila Española, ang naturang award ay base sa isinagawang assessment at evaluation ng DSWD Regional Office kung saan nakasunod ang Batangas City sa mga indicators o criteria na itinakda para SCFLG. Ilan aniya sa binigyan ng mataas na puntos ng mga evaluators ay ang mataas na antas ng mga programa ng pamahalaang lungsod para ma kontrol ang malnutrisyon at mortality rate ng mga bata at implementasyon ng mga health programs kagaya ng vaccination para sa mga bata mula 0-6 na taong gulang.

Binigyang puntos din ang mataas na bilang ng mga batang dumadalo sa center- based day care services, nakapagtapos sa elementarya, ang mga scholarship programs ng pamahalaang lungsod at ang pakikipag tuwang nito sa Department of Education at pribadong sektor para maisigurong makakapagtapos ng pag-aaral ang mga bata.

Binanggit ni Española na nakita ng mga evaluators ang magandang programa ng city government para sa mga child laborers, street children, children in conflict with the law, at biktima ng karahasan. “Mayroon man tayong mga ganitong kabataan ay nakita naman nila kung paano natin i-address ang mga isyu at problema, ang maayos na aksyon at maingat na paghawak o proseso ng mga kaso na may kaugnayan sa mga kabataan, at may mga preventive measures din tayo, ”dagdag pa ni Española.

Nakita rin ng mga evaluators ang programa para sa mga children with disabilities, lalo na at may bagong Office of Persons with Disabilities Affairs (OPDA)at mataas na bilang ng Special Educatioon (SPED) schools sa lungsod, kung saan dito rin nag-aaral kahit mga taga ibang bayan.

Masusing pinag-aaralan at minarkahan ng mga evaluators ang pagbibigay prayoridad ng pamahalaang lungsod sa kapakanan ng mga bata sa pagpaplano, budgeting , legislation at paghahatid ng mga serbisyo sa mga mamamayan. (PIO Batangas City)