CSWDO nag presenta ng best practices sa regional convention ng social workers

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Isa ang Batangas City sa tatlong pamahalaang lokal sa Rehiyon 4 na napili ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mag present ng mga social service programs at best practices nito sa Regional Convention of Local Social Welfare and Development Officers (LSWDOs) with DSWD in CALABARZON noong August 1, 2018, sa Tagaytay City.

Ayon kay City Social Welfare and Development Officer (CSWDO) Mila Española, isang karangalan na mapiling mag present ng mga accomplishments ng Batangas City sa larangan ng social services sa harap ng may 300 local social welfare officers mula sa mga pamahalaang lokal ng CALABARZON region. Ito aniya ay patunay na kinikilala ng DSWD ang Batangas City bilang isang model city sa implementasyon ng mga programa at serbisyo para sa mga mamamayan.

Naging Paksa ng naturang convention ang “LGU’s Perpective in the Devolution of SWD Program and Services” Kung saan inuulat ni Española ang naging accomplishments ng kanilang tanggpan simula ng ito ay mapasailalim sa pamahalaang lokal noong 1994 hanggang ngayon o sa loob ng 25 taon . Ilan sa mga inuulat niya ang tuloy tuloy na mga programa para sa kapakanan ng mga bata tulad ng day care services program kung saan dumami na ang day care centers mula 56 noong 1995 hanggang 107 ngayon na may kumpletong pasilidad. Mayroon ding taunang Search for Mr. and Ms. Batang Makakalikasan na isang fundraising activity na naglalayong maituro sa mga bata ang pangangalaga sa kalikasan.

Ganoon din ang lalong pinagagandang mga programa para sa mga kabataan, nakatatanda, kababaihan, may kapansanan at iba pang may pangangailangan tulad ng mga biktima ng karahasan at mga kalamidad. Ganoon din ang mga sustainable programs para sa pamilyang taga lungsod. Iniulat rin niya ang mahusay na pagpapatupad sa lungsod ng Pantawid Programs ng DSWD.

“Nagbibigay ng mga social services ang Batangas City in all aspects like health, social welfare, education, religion at kahit sa culture, lahat ng basic needs ng isang pamayanan at mamamayan ay ipinagkakaloob natin,” pagdidiin ni Española.

Iprenesenta rin ni Española ang tumataas ang budget para sa social welfare’s programs at ang mga awards at pagkilalang natanggap ng Batangas City simula 1994 hanggang ngayon sa pamamagitan ng mga programa ng CSWDO kung saan ang pinakahuli ay ang 2017 Seal of Child-friendly Local Governance na iginawad noong August 20, 2018 sa Lucena City. (PIO Batangas City)