- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Kaunlaran ng turismo sa Batangas isinusulong
- Details
- Friday, 13 April 2018 - 2:55:55 PM
- Views: 11038
Nagtipon tipon sa Batangas City ang mga tourism officers sa Batangas Province, bloggers at tour operators upang itayugod ang pagpapalago ng turismo sa buong lalawigan.
Bilang mainit na pagtanggap sa kanila, nagdaos ang pamahalaang lungsod ng Mayor’s Night sa Batangas City Convention Center noong April 12 kung saan nagtanghal ang mga local talents.
Ipinakita ng mga estudyanteng miyembro ng grupong Likhang Sining Folk Dance Troupe ng Marian Learning Center and Science High School ang angking husay nila sa ibat-ibang katutubong sayaw.
Nagpakitang gilas naman sa ballroom dancing ang mga mag-aaral ng Batangas State University.
Rumampa ang mga Batanguena beauties at title holders suot ang mga gowns na likha ng sikat na fashion designer at make-up artist na si Ariane Gamboa.
Hindi rin nagpahuli ang mga piling empleyado ng pamahalaang lungsod sa pag-awit ng OPM songs at pagtatanghal ng isang comic skit kung saan ipinapakita ang lengwahe at puntong Batangueno.
Sa mensahe ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na kinatawan ni LEIPC Officer Erick Sanohan, nagpasalamat siya sa Batangas Tourism and Cultural Affairs Office (BATOA) sa pag-aanyaya sa mga kilalang tour operators at bloggers upang higit na maipakilala sa bansa ang lungsod at makaakit ng mga turista.
“Inaasahan naming magiging isang panimula lamang ng isang matibay at matagalang ugnayan ito upang maihatid sa higit na nakararami ang paanyaya na pumarine sa Batangas City,” dagdag pa ng Mayor.
Ang naturang programa ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Batangas City Cultural Affairs Committee sa pangunguna ni City Tourism Officer Eduardo Borbon.
Noong April 13 naman isinagawa ang familiarization tour sa Batangas Port, Basilica of the Immaculate Conception, Museo Puntong Batangan at Monte Maria. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738









