- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pangunahing suspek sa Golden Sun Jewelry shop robbery, nahuli na
- Details
- Thursday, 08 February 2018 - 4:58:36 PM
Bumagsak na sa kamay ng Batangas City PNP ang hinihinalang lider ng Termite gang na syang suspek sa nangyaring nakawan sa Golden Sun Jewelry shop sa Evangelista St. Barangay 16, Batangas City noong ika-5 ng Pebrero kung saan dumaan ang mga magnanakaw sa manhole ng drainage canal papunta sa shop.
Ayon sa ulat ni Batangas City PNP Chief PSupt Wildemar Tan Tiu sa isinagawang pagpupulong ng City Peace and Order Council noong February 7 sa Office of the Mayor, naaresto ang suspek na nakilalang si Manuel Banay noong ika-6 ng Pebrero sa isang construction site sa barangay Mabacong dito sa lungsod. Si Banay ay 25 taong gulang, binata, construction worker, isa ring minero at tubong Barangay Baracbac, Candon, Ilocos Sur.
Sa kanyang ulat, sinabi ni Tiu na ang mga suspek ay dumaan sa drainage canal sa P. Burgos St., 200 meters mula sa nasabing shop. Natangay mula sa vault ang perang nagkakahalaga ng P300,000.00 US dollars at foreign dollars na halagang P80,000.00 at mga alahas na nagkakahalaga ng P 3 milyon.
Nakuha sa display cabinets ang alahas na nagkakahalaga ng P8 milyon. May kabuuang P 11,380,000.00 ang kabuuang halaga ng pera at alahas na natangay ng mga kawatan.
Kahit aniya may cctv sa shop na pag-aari ni Adelaida Senosa, ito ay hindi gumagana.
Pinaghahanap pa din ng mga tauhan ng pulisya ang iba pang suspek sa nasabing nakawan na sina Arnel Gaddingan, Wanbol Daligas, Brixon Aduca at Brando Gargabite..
Dahil sa naturang pangyayari, payo ni Tiu sa mga banko, jewelry shops at iba pang business establishments na mag-install ng motion alarm system, high definition CCTV at magkaroon ng security guard 24/7 bilang security measures.
Inirekomenda ni Tiu sa City Engineer’s Office na inspeksyunin ang mga drainage sa business district upang maiwasang magamit uli ito sa criminal activities.
Sinabi din ni DILG City Director Victoria Amor San Gabriel na kailangang alamin ng mga barangay officials kung sino ang mga bagong nangungupahan sa kanilang lugar upang maiwasan ang mga nakawan.
Kailangan ding magbigay ng memorandum ang mayor sa mga barangay captains na dapat panatilihing operational ang mga cctv sa kanilang lugar. Dapat ding maging mapagmatyag ang mga ito sa mga excavation na ginagawa sa kanilang lugar, alamin ang identity ng mga laborers dito at i require sa kanila ang police clearance.
Tungkol sa peace and order situation sa lungsod, iniulat ni Tiu na ang crime volume ngayong Enero ay umabot sa 14, mas mababa kumpara sa kagayang buwan noong 2017 kung saan ang crime volume ay 24. Ang nangungunang krimen ay physical injury kasunod ang theft. “Generally peaceful” aniya sa lungsod sa kasalukuyan.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.