- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Police outpost sa Isla Verde itinalaga
- Details
- Tuesday, 06 February 2018 - 5:09:45 PM
Naglagay ng police outpost ang Batangas City PNP sa Isla Verde para sa seguridad ng anim na barangay dito at upang maging mas mabilis ang pagresponde sa anumang peace and order problem.
Ayon kay Batangas City PNP Chief PSupt Wildemar Tiu, ang tatlong pulis na itinalaga dito ay magpapatrolya sa mga barangay ng Isla Verde at magru ruta din sa mga paaralan. “Maganda na may nakikitang mga pulis ang mga residente dito, partikular ay ang mga kabataan para maiwasan silang gumawa ng di maganda,” sabi ni Tiu.
Idinagdag pa niya na layunin ng city PNP na palakasin at pagtibayin ang mga programa nila at maiparating sa Isla Verde ang lahat ng proyektong ipinatutupad ng kapulisan sa bayan. “Sila ang extension ng himpilan ng pulisya sa bayan, kaya’t sana ay maipaalam nyo sa kanila lahat ng inyong concerns,” ayon pa rin sa hepe.
Aniya, nakipag ugnayan na rin sila sa mga non- government organizations para sa mga tulong na posibleng maibigay ng mga ito, tulad ng tubig at iba pa.
Nakikipag ugnayan na rin siya sa mga brgy. chairmen ng Isla Verde para sa maaring pagtayuan ng Police Community Precint, gayun din sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRMMC) para sa pagbibigay kaalaman ukol sa natural at human disasters.
Ayon kay hepe, dapat mapaghandaan na ngayon ang seguridad sa Isla Verde dahil sa malaking potensyal nito sa turismo na magbibigay ng mga hanapbuhay, kung kaya’t darami naman ang tao dito.
Ang mga itinalagang pulis sa Isla Verde ay inihatid ni hepe kasama ang ilang opisyal at miyembro ng city PNP, Coun. Oliver Macatangay, member ng Committee on Peace and Order and Public Safety ng Sangguniang Panlungsod, at CDRRMO head Rod Dela Roca. Hiniling ng hepe ang ang kooperasyon at suporta ng mga mamamayan sa mga itinalagang pulis. Sila ay tinangggap ng mga residente ng anim na barangay sa pangunguna ng mga pangulo dito. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.